10

SEPTEMBER 2021

Tuwing Kailan Ba Dapat Manalangin?

by | 202109, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alice Labaydan & Written by Deb Bataller

Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.

Lucas 18:1

Isa sa pinaka-importanteng part ng lifestyle ng isang believer and follower ni Jesus ay ang manalangin araw-araw. Sa Bible, makikita natin na si Jesus ay palaging nananalangin. Nasaan man Siya at anuman ang ginagawa Niya, hindi nakakalimutan ni Jesus ang mag-pray. Alam ni Jesus na napakahalaga ng prayer kaya ito rin ang ipinakita at itinuro Niya sa kanyang disciples.  Sa Lucas 18:1, may dalawang importanteng bagay na sinabi si Jesus tungkol sa prayer.

Una, laging manalangin. Ang prayer ay hindi lang ginagawa tuwing bago kumain at bago matulog, at hindi rin tuwing Sunday lang sa church. Sinabi ni Jesus na palagi tayong manalangin. Palagi. Araw-araw. Sa lahat ng pagkakataon. May problema ka ba? Pray. May sakit ka? Pray. Malungkot ka? Pray. May pangangailangan ka? Pray. May pinagdadaanan ka? Well, it’s the best time to pray. Masaya ka? Pray pa rin at magpasalamat ka kay Lord. Nasa biyahe ka at traffic? Huwag nang mainis; alam mo na ang dapat gawin—pray pa rin! Keep in mind that when you pray, hindi ka lang humihingi kay God. Nakikipag-usap ka sa Kanya. Nakikipagrelasyon ka sa Kanya. Kaya puwede mong sabihin kay Lord ang lahat, including your pains, secrets, needs, wants, questions, at maging feelings. And of course, it’s good to thank and worship Him too.

Pangalawang importanteng bagay tungkol sa prayer ay huwag mawalan ng pag-asa. Mayroon ka bang matagal nang pinagpe-pray na hanggang ngayon ay hindi mo pa nakikita ang kasagutan at nawawalan ka na ng pag-asa?  Huwag kang sumuko. Hindi laging agad-agad ang pagdating ng sagot sa ating mga panalangin. Depende ito sa perfect timing ni Lord. Magtiwala ka lang na alam Niya ang best time kung kailan mo matatanggap ang mga pinagpe-pray mo. Just keep on praying and believing in the goodness of God. Don’t lose hope! Hindi bingi si Lord. Naririnig Niya ang lahat ng prayers mo and will give what’s best for you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for reminding me na ang pagpe-pray ay hindi lang paghingi, kundi pakikipag-usap sa Inyo. Salamat sa privilege na makalapit sa Inyo anumang oras. Naniniwala ako na naririnig Ninyo ako each time I pray at iniisip Ninyo ang best para sa akin, kaya naman hindi ako magsasawang mag-pray. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Practice praying on all occasions. Maging intentional at desidido sa pagpe-pray. Maglista sa Prayer List ng items na maaari mong ipanalangin sa araw na ito para sa iyo, sa mga mahal mo sa buhay, at maging sa ating bansa.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 7 =