17
DECEMBER 2021
The Attitude of Surrender
Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.
Mga Awit 34:19
Hematohidrosis. ‘Yan ang rare clinical condition na explanation ng experts sa pagpapawis ng dugo ni Jesus noong Siya ay nasa Garden of Gethsemane. Nangyayari raw ito kapag ang isang tao ay nakakaranas ng matinding fear o stress. According to Luke 22:44, Jesus was so distressed dahil sa mararanasan Niyang crucifixion at tumulo na parang drops of blood ang Kanyang pawis.
Kung ikaw ay nagtatrabaho o kahit isang college student pa lang, malamang alam na alam mo ang pakiramdam ng stressed. Hindi ka rin unfamiliar sa takot. Pero siguradong hindi ka pa nakakaabot sa puntong nagpapawis ka ng dugo katulad ni Jesus. Wala pa ‘yan sa intensity ng takot at stress na naramdaman Niya noon sa Garden of Gethsemane.
Sa sobrang tindi ng anguish ni Jesus, hiniling Niya na alisin ng Diyos ang paghihirap na ito. Pero may isang attitude si Jesus na nakakamangha. Despite knowing the terrible things that will happen to Him, ipinakita Niya ang attitude of surrender. He knew that His Father in heaven is in control, and that all things will all turn out gloriously beautiful for the salvation of mankind. At ito nga ang nangyari. Now we are enjoying salvation, forgiveness of sin, and abundant grace dahil sa ginawa ni Jesus sa cross.
Ikaw, kumusta ka? Gaano man kahirap ang pinagdaraanan mo ngayon, sana piliin mo ring magtiwala sa Diyos. Harapin mo ang challenges na nararanasan mo ngayon, gaano man katindi. Hold on to this verse from Psalm 34:19 (NIV): “The righteous person may have many troubles but the LORD delivers him from them all.” Isuko mo sa Kanya ngayon ang lahat ng takot at pangamba. Surrender to God and experience His grace.
LET’S PRAY
Lord, I surrender to You. Alisin po Ninyo lahat ng takot at pangamba ko, at palitan Ninyo ng tiwala sa Inyong kapangyarihan. I trust na mabuti ang plano Ninyo para sa akin. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Memorize and believe the promise of God in Psalm 34:19. I-share mo ang verse na ito sa kakilala mo na maaaring stressed din. You may also include this person in your Prayer List at ipag-pray mo siya.