31

AUGUST 2021

The Greatest Superhero

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neil Barnes & Written by Olga Vivero

Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. 

Mga Hebreo 2:14b

Patok na patok ang superhero movies sa mga sinehan lately. Wherever we look, may mga merchandise at promo na sumasabay sa hype ng fandom for superheroes.

Tinitingala ang mga superhero as strong people with good hearts. Who wouldn’t love them? Sinusubaybayan natin ang stories nila na kung minsan ay parang telenovela. Siyempre, meron din silang struggles kaya naman we rejoice when they triumph over those struggles and over evil.

We want them to save us from the cruelty of the world pero kapag tapos na ang movie, sadly, bumabalik tayo sa realidad na ang lahat ng superheroes na hinahangaan natin ay fictional characters lamang. However, there is one true Superhero we can put our faith in—and that is Jesus Christ.

Halos lahat ng superhero stories ay may similar plotlines— they eliminate the bad guys in order to win. But our Lord and Savior Jesus Christ did differently. Isinacrifice ni Jesus ang sarili Niya para maligtas tayo. Sabi sa Marcos 10:45, “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.”

God, in His justice, could have decided to just let us perish (Roma 6:23), yet because of His love, He chose to give us Jesus as the sacrifice bilang kabayaran sa lahat ng ating mga kasalanan. Ito ang ultimate redemption. Sabi sa Mga Hebreo 2:14b, “Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.”

The greatest Superhero has come to this earth to save you. He sacrificed Himself on the cross para tubusin tayo sa ating mga pagkakasala. Believe in Him and you will be saved.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father, thank You for giving your Son Jesus to save me. Inaamin kong nagkakasala ako at hindi ko kayang iligtas ang sarili ko. I accept You, Jesus, as Lord and Savior of my everyday life. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Basahin ang Mga Taga Colosas 1:15-23. Examine the truth about Jesus and how this applies to your life in Him now. Take note of His character and power.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 13 =