9
DECEMBER 2021
To Go or Not to Go
Nalalaman ko ang mga ginagawa mo. Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya’t binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.
Pahayag 3:8
Some employees do not quit their jobs because of low salary, heavy tasks, and long to-do lists. May ilan na umaalis dahil sa unclear expectations set by the company, management issues, lack of recognition. But how do we know if we should stay or if it’s time to go?
It’s important to accept that no company is perfect. Kahit libutin mo man ang lahat ng kumpanya sa buong mundo, wala kang makikitang perfect company. Wala ring perfect boss. In spite of this, God commands us to respect and submit to them. At the same time, through God’s grace, we are to display excellence and integrity.
Nakikita ng Diyos tuwing sinusunod natin ang Salita Niya at nagiging tapat tayo sa Kanya. Alam din Niya ang situation natin sa ating work place. We can trust Him to strengthen us kapag nanghihina na tayo. Kung sa palagay mo ay hindi napapansin ang mga ginagawa mo, nakatingin sa ‘yo si Jesus and He will reward your perseverance and excellence in due time. Don’t quit! Siya ang magpro-promote sa iyo sa tamang panahon. He will lead you when it’s time to go and show you the door that He has opened for you.
It is not God’s will kung dahil sa iyong trabaho ay nagkakasakit ka na at napupuno na ng resentment, bitterness, at unforgiveness. Kung nasa ganito kang sitwasyon, pray this prayer:
LET’S PRAY
Kailangan mo ba ng makakausap tungkol sa mga problemang kinakaharap mo sa trabaho? I-click ang icon na “Chat with Us” para maka-chat nang live ang ating prayer counselor.
APPLICATION
Lord, kailangan ko ang paggabay Ninyo para makapag-desisyon ng tama tungkol sa trabaho ko. By your grace, help me to overcome any resentment, bitterness, and unforgiveness. Tulungan Ninyo akong maging excellent sa trabaho. I trust na Kayo po ang magpro-promote sa akin. In Jesus’ name, Amen.