16

OCTOBER 2021

Victory over Giants

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Thelma A. Alngog

Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

1 Corinto 15:57

Batay sa UN report, tinatayang 3,500 na mga batang Pilipino ang tatamaan ng cancer[i]. Isa si Mindy sa mga batang tinamaan nito. Ipinanganak si Mindy na may neuroblastoma, isang rare cancerous tumor, at hanggang sa edad na 16 ay nakikipaglaban sa ganitong uri ng sakit.

Maaaring hindi katulad ng kay Mindy ang klase ng labang kinakaharap mo ngayon, pero baka higante rin ang tingin mo rito. Mababasa natin sa 1 Samuel 17 ang pakikipaglaban ng binatang si David sa higanteng si Goliath. Dahil ilang araw nang naghahamon sa Israelite army si Goliath, at dahil iniinsulto niya ang Diyos ng Israel, hinarap ni David si Goliath gamit ang isang slingshot. Napabagsak ni David si Goliath gamit ang tirador niya, pero ang nagbigay sa kanya ng tagumpay ay ang Diyos. Later on, marami pang giyerang pinagtagumpayan si David. Dahil sa kanyang pagtitiwala, pagmamahal, at pagsunod sa Diyos, tinawag siyang “a man after God’s own heart” (1 Samuel 13:14; Acts 13:22).

May “giant” ka bang kinakaharap? Sakit? Financial problem? Work issues? Huwag kang matakot. Gaya ni David, mapapagtagumpayan mo rin ang mala-higanteng problema sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Get into the Word of God. Believe His promises. At gaya ng sabi ni Apostol Pablo, “Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo’y binigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 15:57).

 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, God, na mas malaki Kayo sa kahit sinuman o anumang giant sa buhay ko. Teach me to have unwavering faith and to be obedient like King David. I claim Your promises, Lord, and I thank You that through Jesus Christ, I have the victory!

APPLICATION

Isipin mo lagi na napagtagumpayan na ni Jesus ang kasalanan at kamatayan. Kung pinagtagumpayan Niya ang pinakamabigat na problema ng tao, hindi ka ba Niya bibigyan din ng power to overcome what you see as “giants”? So trust God, follow His leading, and cheer up!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 4 =