24

SEPTEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jocelyn Rayton & Written by Maria Rita Ilya M. Magallona

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit!

Lucas 11:13

Bakit minsan, parang ang hirap mag-pray? Maraming dahilan. Pero isa sa mga malaking dahilan ay ayaw nating mabigo. ‘Yung tipong pray ka nang pray pero parang walang nangyayari. Doble dagok ‘yun kasi una, yung pinagpe-pray mong lunas sa pinagdadaanan mo ay maaaring hindi dumating kaya’t hirap ka pa rin. At ikalawa, dahil parang hindi sinagot ng Diyos ang panalangin mo, parang wala Siyang pakialam sa iyo. Sino ka nga naman para pakinggan Niya ‘di ba? At tila nagatungan pa ng kuwento sa Lucas 11:5-8 dahil parang ang sinasabi rito ay kailangan mo pang mangulit para makuha ang hinihingi mo (v. 8). At kapag ganoon, ang dating ay ayaw naman talagang ibigay sa iyo pero napilitan lang kasi ang kulit mo. Pero ganoon ba talaga? Kung babasahin natin ang Lucas 11:9-13, para namang gusto tayong tulungan ng Diyos. Ano ba talaga?

Makikita ang sagot sa mga bagong research sa meaning na makikita sa footnote tungkol sa Lucas 11:8 sa ilang English translations. Sa NIV, babangon ang natutulog nang kapitbahay “to preserve his good name.” Sa NLT naman, “in order to avoid shame,” or “so his reputation won’t be damaged.” Sa Mounce Reverse Interlinear New Testament naman, “yet because of the prospect of being put to shame.” In other words, babangon si kapitbahay dahil ayaw niyang mapahiya. Bakit? Bisita yan e, hindi mo man lang pakakainin?

Ganoon din sa panalangin. Ibibigay nang maluwag ng Diyos ang ating hinihiling hindi dahil makulit tayo, kundi dahil mabuti Siya. At dahil din doon ay hindi Niya ibibigay ang mga hinihiling nating alam Niyang makakasira sa atin at sa Kanyang pangalan bilang ating Amang nasa langit. Kaya ang susi talaga sa answered prayer ay kung gaano talaga natin kakilala at kamahal ang Diyos. Kung kilala natin Siya, ang hihilingin lang natin ay ang alam nating ayon sa kalooban Niya at hindi ‘yung makakasira sa pangalan Niya. At hindi na natin kailangang mangulit.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, gusto ko po Kayong makilala nang mas malalim. I-reveal po Ninyo ang Inyong sarili para mas makilala ko po Kayo. Ito rin po ang mga kailangan ko: ___________________________________________________________________________________________________________________________________________. Ipakita po Ninyo kung ikasisira ba ng pangalan Ninyo o ikapapahamak ko ang mga ito. Kung hindi po, nagtitiwala ako na ang ibibigay Ninyo sa akin ay ang the best. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Basahin ang Mateo 7:11; Sanatiago 1:5; at Juan 14:27. Ano-ano ang mga bagay na ibinibigay ng Diyos sa atin? Paniwalaan mo at tanggapin ang mga ito!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 5 =