31

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Ivy Catucod & Written by Yna S. Reyes

Itinakda sa mga tao na sila’y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.

Mga Hebreo 9:27

Isang popular motto lalo na ng mga millennial ang YOLO, that is, “You Only Live Once.” Ang belief behind YOLO ay ganito: Life is short so make the most out of it. Gawin mo ang lahat ng mga bagay na enjoyable at exciting, kahit pa mababaw o delikado ang mga iyan. Iisa lang ang buhay mo, ngayon lang ang pagkakataon mo. So, seize the day.

Kung tutuusin, meron namang truth sa YOLO. Totoo namang we only have one life to live. Pero half-truth lang ang YOLO. Wala kasi itong eternal perspective. Ang buhay lang dito sa mundo ang concern nito.

Ayon sa Word of God, hindi nagtatapos ang buhay natin kapag namatay tayo. May paghuhukom na susunod at si Jesu-Cristo ang gagawa nito. Siya ang Dakilang Hukom na hahatol sa lahat ng tao (2 Corinto 5:10). Pero may sinabi pa si Jesus tungkol dito na mababasa sa ebanghelyo ni Juan.

Sabi Niya, “Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Kapag tinanggap natin si Jesu-Cristo at ang kapatawarang handog Niya mula sa krus ng Kalbaryo, hindi Niya tayo hahatulan sa huling araw (Roma 5: 10). Ngunit kapag binalewala natin Siya at ang Kanyang salita, ang hatol sa atin ay walang-hanggang kamatayan (Roma 6:23).

Kaibigan, dito sa mundo, You Only Live Once. After this comes judgment. Kaya gawin mo ang pinakamahalagang desisyon na magliligtas sa iyo sa Judgment Day at magbibigay sa iyo ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. Tanggapin mo si Jesu-Cristo. Tanggapin mo ang Kanyang Salita. Tanggapin mo na inihandog Niya ang Kanyang buhay sa krus upang mapatawad ang iyong mga kasalanan at maligtas ka. When you do, bibigyan Ka Niya ng buhay na ganap (Juan 10:10). Hindi lang dito sa mundong ibabaw, kundi sa piling Niya habambuhay. No, you will not only live once. You will live forever kasama si Cristo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, tinatanggap ko Kayo bilang Tagapagligtas. Tinatanggap ko ang Inyong Salita. Salamat na hindi Kayo dumating dito para hatulan ako kundi para iligtas ako. Amen.

APPLICATION

Look for at least 5 Bible verses na kontra sa YOLO. Paano nito pinagtitibay ang katotohanan na we must have eternity in mind?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 1 =