27

FEBRUARY 2022

Your Kingdom Come

by | 202202, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Yna Reyes

Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.

Mateo 6:10

Nang sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, dineklara Niya ang ganito: “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos! Kaya magsisi na kayo’t talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan na ninyo ang Magandang Balita!” (Marcos 1:15).

Ang Diyos ay naghahari sa sanlibutan since the beginning of time. “Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan” (Awit 103:19). With the coming of Jesus, the Kingdom of God was inaugurated and brought in our midst. Sa pamamagitan ni Jesus, ang Haring Diyos ay tumuntong sa lupa to establish His saving rule — sa puso ng mga tao, sa pagpapatawad sa kasalanan, sa pagtawag ng mga lalaki at babaeng maglilingkod nang tapat sa Kanya.

The most glorious revelation of the Kingdom of God is Jesus Himself. He is the crucified and risen King! With Jesus’ death and resurrection, the Kingdom of God has prevailed over sin and darkness. Meanwhile, hihintayin natin ang muling pagbabalik ni Cristo upang maghari “sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika” (Pahayag 7:9). At sa Kanyang paghahari, itatama Niya ang lahat ng naging mali sa mundo.

Habang hinihintay natin ang araw na iyon, we are to keep praying, “Your Kingdom come.” When we do, idini-declare natin that God reigns in our lives. Nabubuhay tayo for His glory alone.

Also, we should be working with God in building His Kingdom on earth. Paano? Sa pagsasabuhay ng Kingdom values of love, mercy, goodness, righteousness, forgiveness, justice. Sa pagsunod sa halimbawang ipinakita ni Cristo. Sa paghimok sa lahat na tumalikod sa kasalanan at manumbalik sa Haring Diyos.

We can pray, “Your Kingdom come,” with confidence and joy dahil nakatitiyak tayo na “ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig” (Habakuk 2:14). Because Jesus is Lord, and He will reign forever and ever!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Maghari ka, Jesus, sa aking puso at buhay. Maghari ka Panginoon sa aking pamilya at komunidad, at sa bayang Pilipinas. Amen.

APPLICATION

Paano naghahari ang Diyos sa buhay mo? Review your life in the light of His Kingdom.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 3 =