2

NOVEMBER 2021

Your Past No Longer on Repeat

by | 202111, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gutch Gutierrez & Written by Precious Marian Calvario

Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.

Juan 10:10

Kung ikaw ay batang 90s, marahil nagamit mo ang lapis o ballpen sa pag-rewind ng cassette tape na may record ng paborito mong kanta. O kaya naman ay tumawag sa radio stations para i-request nang paulit-ulit ang gusto mong kanta. Hanggang sa dumating ang innovations tulad ng CDs, MP3 players, ipod at maging mga online streaming apps. Sa wakas, madali nang ulitin ang go-to-songs mo by putting it “on repeat.”

Pero may mga bagay sa buhay natin na ayaw na nating balikan. Mga experience na ayaw na nating maalala, ulitin, at lalo nang maging “on repeat.” Kung maire-rewind man, mas gusto nating baguhin ang nangyari o palitan ang sitwasyon. Marahil dala ng guilt, shame, hurt, pain, o maging unforgiveness, ayaw na nating balikan ang mga ito. Pero may mga panahon na parang sirang plaka na paulit-ulit itong nagpe-play sa utak natin. Paulit-ulit na may mala-music video re-enactment sa isipan natin that causes anxiety, loneliness, sadness, or worst paralyzes us and stops us from being productive and living our life joyfully.

Kapatid, hindi mo kailangang gumising araw-araw nang may ganitong negative background music. Jesus wants to end this cycle of defeated thoughts in your life. Naparito Siya upang magkaroon tayo ng buhay na masagana at makabuluhan (Juan 10:10). As we trust in Him, He will set us free from anxiety and regrets about the past. At habang nakikilala natin Siya, mabubuksan ang mga mata natin sa magagandang inilaan Niya para sa atin for our future.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa Inyong bugtong na Anak na si Jesus na namatay sa krus para tubusin kami sa aming mga kasalanan. Ipaalala po Ninyo sa akin palagi na sa pagtanggap ko kay Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas binigyan Ninyo ako ng masaya at masaganang buhay. Tulungan Ninyo akong sa halip na alalahanin ang nakaraan ay matuto sa mga karanasan kong ito, at mag-look forward sa hinaharap. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Develop a habit of reading the Bible and look for God’s wonderful promises. Sa tuwing maiisip mo ang defeated thoughts mula sa nakaraan mong experience, alalahanin ang magagandang pangako ng Diyos sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 9 =