26

DECEMBER 2021

Paghihintay sa Panahon ng Instant

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Jeaneth DP Panti

Kaya’t pakatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal sa ikasanlibong salinlahi.

Deuteronomio 7:9

Instant coffee, instant noodles, instant message… instant happiness?

Tunay ngang nabubuhay na tayo sa panahon ng instant. Ngunit sa panahon ng instant at mabilisan, may puwang pa ba ang paghihintay? Ang katotohanan: hindi madaling maghintay. Dahil dito, pinipilit nating magkaroon agad ng success, relationships, even happiness. Minsan, dahil naiinip tayong maghintay, nag-aakala tayong hindi faithful ang Diyos sa Kanyang pangako kaya’t pilit nating hinahanap ang kaligayahan at kapayapaan sa maling lugar. Umaasa tayo sa sarili nating kakayahan, sa sarili nating diskarte.

Kaya ipinapaalala sa atin ng Deuteronomy 7:9 na ang Diyos ay hindi marunong sumira sa pangako. Tapat Siya sa lahat ng umiibig sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga tuntunin. Sabi naman sa 2 Timothy 2:13, kahit nga sumablay tayo at hindi naging tapat sa Kanya, mananatili Siyang tapat sa atin. Ganyan ang pambihirang love ni God sa atin!

Ibig sabihin nito, we can wait with joy dahil mayroon tayong assurance na ang mga bagay na ipinagdarasal at hinihintay natin ay ipagkakaloob Niya. Hindi mo man makita instantly, kumikilos Siya sa buhay mo. Isa pa, God will make sure hindi maaksaya ang iyong period of waiting. May mga bagay Siyang itinuturo sa iyo at isinasaayos sa season of waiting mo. Sa panahon ng instant, ask God to give you patience to wait for His best—prayerfully, faithfully.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, ayoko nang makuntento lang sa lahat ng instantsa mundo. Gusto ko nang hintayin ang best Ninyo para sa akin. Sa halip na umasa lang ako sa sariling kakayahan, turuan Ninyo akong sumunod, magtiwala, at magpuri sa Inyo habang nasa waiting season. Salamat dahil ibinibigay Ninyo ang lahat ng makakabuti sa akin sa tamang panahon. Amen.

APPLICATION

Humanap ng isang tahimik na lugar at mag-reflect. Isipin ang iyong short-term at long-term plans, at ipagdasal ang mga ito. Ask God to for wisdom so you can follow His plans for you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 14 =