29

JULY 2021

Anong Greatest Fear Mo?

by | 202107, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Byron Sadia & Written by Deb Bataller

Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. 

2 Timoteo 1:7

Ano ang greatest fear mo? Takot ka bang mamatay? Mag-fail? Maka-disappoint ng ibang tao? Mawalan ng minamahal? Mag-isa? Magkulang? Maubusan ng pera? Takot ka ba sa dilim? Humarap sa maraming tao? Aminin man natin o hindi, may mga bagay pa rin tayong kinatatakutan, maliit man o malaki.

Isa sa effects ng fear sa atin ay napapaurong tayo. Napanghihinaan tayo ng loob gawin ang mga bagay na dapat nating ginagawa. Fear paralyzes us. Imbes na nagte-take tayo ng step forward, we either take a step back or we never take a step at all.

Pero alam mo bang marami sa ating fears ay nasa isip lang at wala naman talagang power na saktan tayo o ipahamak tayo? Isang pastor ang nagsabi na may tatlong indicators para maging valid ang fear. First is the presence of what we fear, second is the power of what we fear, and third is the proximity of what we fear.

For example, kung ikaw ay takot sa ahas, consider these questions. Una, may ahas ba akong nakikita ngayon sa paligid ko (presence)? Pangalawa, makamandag ba ang ahas na ito (power)?  At pangatlo, malapit o nakadikit ba sa akin ang ahas (proximity)?  Kung “No” ang karamihan sa mga sagot mo, then it means your fear is just in your head at wala itong kakayahan na totoong saktan ka.

In the same way, hindi tayo dapat matakot kung alam natin kung ano ang totoo. “Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili” (2 Timoteo 1:7).

Ang Bible na mismo ang nagsabi na ang fear ay hindi galing kay Lord. Therefore, kung tayo pala ay binigyan na ni Lord ng power, love, at tamang pag-iisip, makakaya nating ma-overcome ang ating mga takot at panghawakan kung ano ang totoo at sinasabi ng Salita Niya. Palagi nating tandaan na na-overcome na ni Jesus ang lahat ng mga nakakatakot na bagay dito sa mundo, even death. And that very same power of God that overcame fear and death is in us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, sinusurrender ko sa Inyo ang lahat ng aking mga takot. Help me not to live in fear but to exercise the power, love, and sound mind that You have given me. Palakasin Ninyo ang aking pananampalataya, and let my faith be bigger than my fears. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

I-memorize mo ang 2 Timothy 1:7 at gawin itong daily prayer at declaration. Make a list of all your fears and cross-out those fears na nasa isip mo lang. Subukan mo ring gumawa ng mga bagay na dati ay takot kang gawin. Kung fear mo ang magsalita sa harap ng maraming tao, magsanay at mag-train ka how to speak in public, and try to do it with God’s help.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 3 =