6

DECEMBER 2021

Big and Small Prayers

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by M.C. Navarro

Ngunit kilala ng Diyos ang sinumang umiibig sa kanya. 1 Mga Taga-Corinto 8:3

Nangyari na ba ito sa iyo? Nagru-rush ka palabas ng bahay dahil mali-late ka na sa work pero na-realize mong nawawala ang cellphone mo. You spend precious minutes trying to look for it, pero hindi mo ito makita. Finally, tumigil ka para magpray, “Lord ipakita Ninyo sa akin kung nasaan ang cellphone ko.”

Then you stop. Makakaramdam ka ng guilt dahil sa dami ng mga humihingi ng tulong kay Lord—mga taong may sakit, mga nasalanta ng natural disasters, mga nakatira sa war zones—hihilingin mo talagang tulungan ka Niya sa paghahanap ng cellphone?

Pero tingnan ninyo ito. Hinimok tayo ni Apostol Pedro na ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga alalahanin sa buhay (1 Pedro 5:7). Hindi niya sinabing ang mga “importante” o “malalaking” bagay lang ang ilalapit natin sa Diyos. Sakop ng pagmamalasakit ng Panginoon ang malalaki at maliliit na bagay sa buhay natin. Hindi natin kailangang timbangin kung ang isang bagay ay important enough para idulog sa Panginoon. He is concerned with every detail of our lives—big or small. Isa pa, kasama ito sa pagkakaroon ng intimate relationship sa Kanya. We become more comfortable sharing with Him even the littlest details of our lives.

The Lord wants us to involve Him in every area of our lives. Kasama na rito ang petty concerns natin: the weird, the boring, and the mundane. Gusto Niyang maramdaman natin na kilala nga Niya tayo inside and out, and He loves us just the same.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Maglaan ng 30 minuto ngayon para maglakad-lakad na walang pinapakinggang music o podcast. Instead, kuwentuhan mo lang si Lord. Start the habit of sharing the day’s events, your concerns, and your thoughts with Him.

APPLICATION

Maglaan ng 30 minuto ngayon para maglakad-lakad na walang pinapakinggang music o podcast. Instead, kuwentuhan mo lang si Lord. Start the habit of sharing the day’s events, your concerns, and your thoughts with Him.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 11 =