26
JULY 2021
Big “C”
Kaya’t namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi, gumaling ang mga lumpo, nakalakad na ang mga pilay, at nakakita na ang mga bulag. Kaya’t pinuri nila ang Diyos ng Israel.
Mateo 15:31
Isa sa mga kinatatakutan ng mga tao ngayon ang marinig na meron kang Big “C” o cancer. This is what happened to Aera’s mom. Ilang milyon ang kinailangan para sa pagpapagamot ng kanyang ina. During that time, she realized na ang pera ay puwedeng kitain, pero ang kalusugan at buhay ng tao, tanging Diyos lamang ang may hawak.
Kaya naman tumibay ang kanyang pananampalataya nang mabasa niya ang Mateo 15:29-31. She was more encouraged when she read verse 31. Dito ikinuwento na maraming maysakit ang pinagaling ni Jesus—mga pipi, lumpo, at bulag. She believed that God would do the same miracle for her mom.
Ang mga sumunod na talata sa Mateo 15:32-38 ay nakapagbigay din sa kanya ng pag-asa. Ito ang kuwento ng pagpapakain sa apat na libo. Mula sa pitong tinapay at mga isda na pinira-piraso ni Jesus, mahimalang nakakain at nabusog ang apat na libong tao. Ayon sa verse 37, “Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing.” This reminded her that God is their Provider.
Pagkalipas ng ilang taon, napatunayan ni Aera ang katotohanan ng Salita ng Diyos. God provided for the medical expenses of her mom. Ligtas na rin sa Big ”C” ang kanyang ina at malusog na ito. Ito ay dahil naniwala siya na oo nga’t nagkaroon ng cancer ang kanyang ina, ngunit ang Big “C” sa kanilang buhay ay hindi ang cancer. Sa halip, ang Big “C” ay si CHRIST.
Maaaring kailangan mo rin ngayon ng physical healing. Or you’ve experienced betrayal, and emotional healing is what you need right now. O baka naman sakit sa bulsa ang inaalala mo. Anuman ang pinagdaraanan mo, know that our God is the great Healer and Provider. Buksan mo ang puso mo at mamangha sa gagawin Niya sa buhay mo.
LET’S PRAY
Lord, please calm my heart as I claim healing upon my condition and my loved ones. I know that You are in control of my situation. Salamat na Kayo ang aking Healer at Provider. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Basahin ang Mateo 15:29-38. Pagmuni-munihan ang mga himalang ginawa ni Jesus. Declare God’s healing and provision in your life today.