7
JULY 2021
Look Back, Go Forward!
“Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan,” sagot ni Yahweh.
Exodo 33:14
Pagod mula sa trabaho si Vince kaya naman nag-park siya saglit para magpahinga. Malayo pa ang kanyang pupuntahan kaya para makaiwas sa aksidente, he decided to take a rest para ma-energize. After thirty minutes, nagising na si Vince. Inisip niya kung babalik na lang ba siya sa pinanggalingan niya para doon magpahinga nang mas maayos. Nang lumingon siya, na-realize niya na malayo na ang nabiyahe niya. So mas naging matindi ang kagustuhan niya to move forward to his destination.
Sa buhay natin, ilang beses na rin tayong napagod gaya ni Vince. Maaaring toxic kasi ang marriage natin. O kaya naman, hirap na hirap tayong ipasa ang board exam kahit aral tayo nang aral. Nakakapagod rin ang limang taon na pagsusumikap para makuha ang promotion pero hindi napapansin ng boss ang efforts mo. Nakaka-frustrate talaga! Kaya mabuti ang tumigil muna at magpahinga saglit.
Kung paanong nilingon ni Vince ang kanyang nabiyahe na, balikan din natin ang naging buhay natin. Paano nga ba natin na-survive ang mga nagdaang challenges? Surely, makikita natin kung gaano naging faithful si God sa buhay natin. At ang magandang balita pa, nangangako Siyang sasamahan Niya tayo sa susunod na paglalakbay. Ganito ang ipinangako ni Yahweh kay Moises at sa mga Israelita nang sila ay patungo sa Lupang Pangako. “Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan.”
Napakagandang pangako ito ng Diyos sa atin na nakakaranas ng pagod at pangamba sa ating paglalakbay sa buhay. In our journey, we can rest for a while, look back, and then move forward!
Kung nagpapahinga ka sa journey mo ngayon, alalahanin mo ang katapatan ng Diyos sa iyo, at sabayan mo ako sa isang short prayer.
LET’S PRAY
Dear God, salamat po that You are the same, yesterday, today, and forever. Alam kong kahit ano pong mangyari, anumang pagbabago ang dumating sa mundo, lagi akong may isang bagay na puwedeng balikan at asahan, at iyon ay ang katapatan Ninyo sa buhay ko. Salamat sa pangako Ninyo na sasamahan Ninyo ako at bibigyan ng kapayapaan saan man ako magpunta. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
On your journal, magsulat ng mabuting bagay na ginawa sa iyo ni God. Whenever you feel afraid, lonely, or tired, you can go back to your journal and be reminded of the faithfulness of your God.