3
DECEMBER 2021
Magpatawad Din Tayo
Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Mga Taga-Efeso 4:32
Paborito ng batang si Celine ang keso kaya tuwang-tuwa siya ng makita niya ang isang bar ng cheese sa loob ng kanilang ref. Binuksan niya ito at tumikim ng kapiraso. Pero maya-maya, kumagat siya uli. Hindi pa siya nakuntento, humiwa siya uli ng malaking slice at kinain habang nanonood ng paborito niyang cartoon.
Maya-maya, dumating ang nanay niya at nakitang halos kalahati na ang keso na gagamitin sana niya para sa salad. Nagulat siya at nagtaas ng boses. “Bakit mo inuubos ang keso?” Natakot si Celine at nahihiyang nagsabi ng, “Sorry, Nanay.” Dahil sa narinig, kumalma ang Nanay ni Celine at sa halip na paluin ang anak, niyakap niya ito. “Sige, anak, pinapatawad na kita,” sabi niya.
Ang kuwento ni Celine at ng kanyang nanay ay kuwento ng pagpapatawad. Lahat tayo ay maaaring magkamali at magkasala sa isa’t isa, gaya ng kung paanong tayo rin ay nagkasala kay God. Ngunit sa oras na lumapit tayo at humingi ng tawad, He is always ready to forgive because Jesus has already offered Himself as the sacrifice for the payment of our sins. Kaya naman, kung paanong pinatawad tayo ng Diyos, magpatawad din tayo sa kapwa natin.
LET’S PRAY
Lord, salamat sa Inyong pagpapatawad. Tulungan Ninyo akong maging mabait din at maawain, at mapatawad ko ang mga nagkasala sa akin. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Isulat ang Ephesians 4:32 sa Notepad app ng iyong phone or sa isang board na madali mong makita. Let this remind you of God’s forgiveness and that we should also forgive one another. Kung may pinapakita si Lord na taong dapat mong patawarin, reach out to that person and extend kindness and forgiveness.
SHARE THIS MEME
