3
JULY 2021
Magtulungan Tayo
Palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
1 Mga Taga-Tesalonica 5:11
Madalas mo ba masabi o marinig ang mga salitang ganito?
“Okay lang ako, huwag mo na ako alalahanin.”
“Kaya ko na ‘to, salamat.”
“Hindi ko na kailangan ng tulong, alam ko na paano gawin ito.”
O kaya ang mga salitang ganito?
“Kaya mo na ‘yan.”
“Pasensya na medyo busy ako ngayon. Basta aralin mo na lang ‘yan ha.”
“Magpatulong ka na lang sa iba, may ginagawa pa kasi ako eh.”
May times na nahihiya tayong humingi ng tulong kasi ayaw nating makaabala sa friends, family, o officemates natin. Minsan naman, ayaw nating humingi ng tulong kasi gusto nating ipakita sa iba na kaya natin ang isang bagay o hindi tayo weak. Kailangan nating mag-ingat na hindi tayo magpadala sa shame o sa pride.
May mga oras naman kung saan hindi tayo willing magbigay ng tulong sa iba. Isang halimbawa ay ang pagdating ng bagong officemate. Medyo hindi pa niya gamay ang trabaho at marami siyang tanong at lagi na lang umaaligid sa desk mo. Tinanong mo ba kung ano ang maitutulong mo sa kanya? Isa pang example ay ang nakababata mong kapatid na may project at humihingi ng tulong sa iyo. Tinulungan mo ba?
Maaaring valid naman ‘yung reasons natin kung bakit hindi natin sila matulungan, tulad ng may tinatapos pa tayong ibang trabaho o pagod talaga tayo. Pero sana hindi natin gawing habit ang hindi pagbigay ng tulong sa iba. At sana, hindi tayo mahiya na humingi ng tulong sa iba. Isa sa mga bagay na sinasabi sa Bible na magandang gawin ay ang magtulungan tayo. Gaya ng sabi sa 1 Mga Taga-Tesalonica 5:11, “Palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.”
LET’S PRAY
Lord, tulungan po Ninyo akong humingi at magbigay ng tulong tuwing nararapat. Enable me to help others. Help me to ask for help!
APPLICATION
Nahihirapan ka bang humingi ng tulong sa iba? O nahihirapan kang magbigay ng tulong kapag hindi ito convenient para sa iyo? Ngayong linggo, maghanap ka ng isang tao na pwede mong tulungan sa isang bagay, kahit maliit lang, at humingi ka rin naman ng tulong para sa isang bagay kung saan nahihirapan ka.