4

JULY 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Dahil dito, ako’y lumuluhod sa Ama, na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa.

Mga Taga-Efeso 3:14

Sa science-fiction na pelikulang After Earth, kung saan bida ang real-life na mag-amang sina Will and Jayden Smith, makikitang bitbit nina Gen. Cypher (Will Smith) ang Ursa, isang predatory alien weapon na ginamit ng mga kalaban nilang S’krell noon laban sa kanila.

Habang nasa journey sila kasama ang alien weapon na Ursa, tinamaan sila ng asteroid at nag-crash ang kanilang ship sa Earth. Dahil nagkaroon ng injury si Gen. Cypher, ang anak nitong si Kitai (Jayden Smith) ang inutusan niya na mag-retrieve ng beacon na gagamitin nila para kumontak sa rescue team mula sa planetang Nova Prime. Isang ranger si Kitai at first time niyang sasabak sa mission. After fighting with the animals to survive, narating niya ang bahagi ng ship kung saan nandoon ang beacon. Dito niya nakita na wala na ang Ursa sa kanyang kulungan. Hindi rin gumagana ang beacon, kaya nagsimula nang matakot si Kitai.

Although hindi kasama ni Gen. Cypher ang kanyang anak na si Kitai, mayroon itong device para makita ang anak at makausap sa isang malaking screen. Sa gitna ng pagpapanic ni Kitai, sinabihan siya ng ama, “Take a knee.” Mangiyak-ngiyak na lumuhod si Kitai, tumigil sa kanyang pagpapanic, and from there he got back to his senses. Kitai was able to hear the instructions of his father clearly after kneeling down.

Madalas ay katulad natin si Kitai kapag dumaraan tayo sa pagsubok. Nauuna ang panic bago tayo lumapit kay God. Remember na gaya ni Gen. Cypher, nakikita ni Father God ang bawat galaw natin. So God encourages us to stop whatever we our doing and take a knee, so to speak. Manahimik muna tayo at makinig sa Kanya. In doing so, magkakaroon tayo ng peace. Then we will be able to see things in a different way dahil mapapakinggan na natin ang binibigay ni God na solution sa ating pinagdaraanan. When we seek the Lord for help, we give Him the credit for being our heavenly Father and the all-powerful God of the universe.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, inilalapit ko po sa Inyo ang challenges ko for the day. Alam ko that You are in control of everything. Tell me what to do in this situation that I may give glory to Your name. Amen.

APPLICATION

Meditate on Ephesians 3:14. Let this encourage you as you pray for all your concerns today. Swipe left to go to your Prayer List and pray.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =