15

JULY 2021

Share with family and friends
Narrated by Byron Sadia & Written by Beng Alba-Jones

Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya.  

Mga Hebreo 12:1-2

Marathon runners will tell you na hindi biro ang pagtakbo nang pang-malayuan at pang-matagalan. Long distance running requires a considerable amount of skill, strength, and determination to do. You don’t wake up one day na gusto mo lang sumali sa marathon and expect na matapos mo ito nang walang training. Handa dapat ang katawan at puso mo sa haharapin mong challenge. Hindi ito magiging madali.

Hind man serious runners ang karamihan sa atin na sumasali sa paligsahan, lahat tayo ay may marathon na sinalihan nang magdesisyon tayong sumunod kay Jesus—the marathon of our faith. Does the following scenario sound familiar? Magsisimula tayong punong-puno ng energy at inspiration pero sa kalagitnaan ng marathon, mapapagod. Mag-iisip. Worth it pa ba ang pagsunod ko sa Diyos? May saysay ba ang faith ko sa buhay ko? Kung sarili lang natin ang iisipin natin, madi-discourage talaga tayo. Mas madali nga namang mag-give up pero ito ba talaga ang gusto ni God na gawin natin?

We can learn mula sa example ni Apostol Pablo. From being a persecutor ng Christians, naging champion of Christians. Kabi-kabila ang naging paghihirap niya at ilang beses ding nabingit sa kamatayan ang buhay niya alang-alang kay Jesus (2 Corinto 4:8-11). Pero natapos niya ang kanyang takbuhin (2 Timoteo 4:7). Katulad niya, may we be able to say sa pagtatapos ng ating buhay na natapos natin ang race, na nanatili tayong tapat sa Diyos. Higit pa sa gold medal ang naghihintay para sa atin at the end of the finish line. Jesus will be there. And He will give us our ultimate reward: the crown of righteousness.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Jesus, help me keep my eyes on You. Ang tangi kong goal is to finish this race and to give glory to You.

APPLICATION

May mga bagay o kasalanan ba na nagpapabigat sa iyo kaya nahihirapan ka sa pagsunod sa Diyos? Ask the Holy Spirit na i-reveal sa iyo kung ano ang mga ito. Prepare your heart na gumawa ng big decisions na kahit mahirap sa simula ay magiging beneficial naman sa spiritual life mo in the long run.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 13 =