14

JULY 2021

Sino ka Sa Mata ni Jesus?

by | 202107, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Deb Bataller

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 1:3

Naranasan mo na bang mapagsinungalingan ng isang tao na malapit sa iyo? O kaya ay maloko ng isang mapagsamantalang tao? Masakit, hindi ba? Kaya nga galit na galit tayo sa mga sinungaling at sa mga manloloko.

Pero alam mo ba na araw-araw, napakaraming kasinungalingan ang ating pinapakinggan at pinapaniwalaan, at lahat ito ay galing sa father of lies na si Satan? Mula sa social media at sa mga taong nakapaligid sa iyo, mababasa at maririnig mo ang mga kasinugalingang  ito:

“Walang nagmamahal sa iyo.”

“You’re not good enough.”

“You are always misunderstood.”

“You are so alone.”

“You’re not accepted.”

“You’re not worthy.”

“Walang forever.”

Sounds familiar, right? Nakakalungkot na araw-araw, marami ang nabibiktima ng mga kasinungalingang ito. Pero you don’t have to be a victim of all these lies.  Kung kikilalanin mo lamang si Jesus at ang Kanyang Salita, malalaman mo ang katotohanan.  At ito ang totoo: “Pinagkalooban ka ng Diyos ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa iyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Dumating si Jesus para bigyan ka ng buhay na sagana at ganap (Juan 10:10).  Because God loves you and you are special in His eyes (1 Juan 3:1), lahat ng mga plano Niya para sa iyo ay maganda at mabuti (Jeremias 29:11). Pangako Niya na hindi ka rin Niya iiwanan kailanman (Hebreo 13:5). Naiintindihan ka ng Diyos (Hebreo 4:15). Tinatanggap ka Niya (Efeso 1:6). Mahalaga ka sa Kanya (Mateo 6:26). At kay Jesus, may forever (Juan 3:16). So, cheer up! Kaya ngayong araw na ito pasalamatan mo Siya through this prayer:

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, today, pinipili kong paniwalaan Kayo at ang sinasabi ng Inyong salita. Tulungan Ninyo ako na mas makilala pa Kayo at ang Inyong katotohanan araw-araw. Thank You for loving me. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isulat sa iyong prayer journal o notebook ang mga magagandang pangako ni Lord na nababasa mo sa Bible. Basahin ito nang malakas and declare them over yourself. Subukan mo ring mag-post ng Bible verses kung sino ka sa mata ni Jesus, sa halip na negative comments sa iyong social media accounts.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 5 =