11

JULY 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Yna Reyes
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman!

Mga Awit 136:1-3

“Walang Forever” ang title ng isang romance drama na naging hit sa movie theaters last year. #Walangforever naman ang hugot ng mga nag-crash and burn sa love. Sabi nga ng isang cliché, “kung kontinente nga naghihiwalay, tao pa kaya?” Joke naman ng iniwan ng asawa, “sumakabilang bahay” na raw ang housemate niya. At alam mo ba na according to surveys, 53 percent ng mga Pinoy are in favor na gawing legal ang divorce sa bansa? Looks like marami na talagang nawalan ng pag-asa na may forever.

The wonderful truth is “may forever.” Isang buong Psalm—ang Mga Awit 136—ang naglalahad in beautiful poetry na totoo ngang may forever. Ang pag-ibig ng Diyos, ng Dakilang Manlilikha, ng Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. His love endures forever!

Pinatunayan ni Yahweh ang tapat Niyang pag-ibig sa mga Israelita in so many ways. Nang nagpadala siya ng sampung uri ng salot sa Egypt para palambutin ang matigas na puso ni Pharaoh (Mga Awit 136:10-12). Nang hinati Niya sa dalawa ang Red Sea para makatawid ang mga Israelita at hindi abutan ng Egyptian chariots (verses 13-15).  Nang inakay Niya sila sa wilderness tungo sa Lupang Pangako (verse 16).

Si Jesu-Cristo ang pinakadakilang handog ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan (Juan 3:16). Ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay makakatiyak ng walang-hanggang kaligayahan sa presensya ng Diyos. Ang pangako ng walang-hanggan ay nagkatotoo na nang ipinanganak si Jesus sa Bethlehem more than 2,000 years ago. The promise was sealed when He died on the Cross and rose again after three days.

Kaibigan, pagod ka na ba sa paghahanap ng mga relasyon na wala namang forever? Baka kasi you’ve been looking for it in the wrong places. Sa Diyos mo lang masusumpungan ang forever, in the person of Jesus. Open your heart that Christ may come in. Pupunuin Niya ang puso mo ng pag-ibig ng Diyos.

Ang pag-ibig ng Diyos ay tunay. Ang pag-ibig ng Diyos ay tapat. His love is unending. His love never fails. And He’s offering it to you today.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, thank You for Your unfailing love. I receive it. With You, may forever! Amen.

APPLICATION

Paano pinatunayan ng Diyos ang pag-ibig Niya sa iyo mula noon hanggang ngayon? Pagmuni-munihan ito at namnamin ang pag-ibig Niya para sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 8 =