1

JULY 2021

Share with family and friends
Narrated by Gutch Gutierrez & Written by Michellan Alagao

Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa’t isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.

Mga Taga-Galacia 5:26

Minsan talaga nakakainggit ang mga kakilala natin na pinagpala, tulad ng isang officemate na nabigyan ng raise, kaibigan na may bagong love life, o kapatid na feeling natin paborito ng mga magulang natin. Bakit ganun? Bakit siya mukhang favored pero ako hindi? May mga araw na ganito ang naiisip natin, hindi ba? Mahirap aminin, pero hindi lang tayo ang ganito.

Sa totoo lang, maraming times na naiinggit tayo sa isa’t-isa, pero sa Biblia, may warning sa atin laban sa inggit (Mga Awit 37:1 at 1 Pedro 2:1). Delikado ang inggit dahil kapag naiinggit tayo sa kapwa natin, tumataas ang tingin natin sa sarili natin at bumababa ang tingin natin sa iba. Para bang sinasabi natin na mas “deserving” tayo sa blessings kaysa sa ibang tao. Isa pa, parang wala tayong gratitude at appreciation sa anumang ibinigay sa atin ng Panginoon. Kapag napasukan ng inggit ang puso at isipan natin, nagiging sobrang negative na tayo. Nagfo-focus tayo sa mga bagay na wala sa atin o kulang sa buhay natin, kaysa sa mga biyaya na ibinigay ng Panginoon sa atin. Nawawala ang ating peace. Imbes na mainggit, pagtiwalaan natin na ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya sa lahat ayon sa Kanyang kapanahunan.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, alam Ninyo kung ako nga ay naging mainggitin sa kapwa ko, lalo na sa mga mahal ko sa buhay. Bilang pagsunod sa sinabi ng 1 Pedro 2:1, tinatalikuran ko na ang pagkainggit. Nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings na ipinagkaloob Ninyo sa akin. Buksan Ninyo ang mga mata ko para makita ko ang masaganang pagpapala Ninyo sa akin ng sa gayon, hindi na ako maging mainggitin.  

APPLICATION

May kinaiinggitan ka ba ngayon? Tuwing may tao na kinaiingitan mo, ilista sa iyong prayer journal ang tatlong bagay na thankful ka—puwede itong physical, spiritual, financial, o relational na mga bagay. Pagkatapos, magpasalamat ka sa Panginoon para sa mga bagay na ito at mag-declare ka ng blessing sa tao na kinaiinggitan mo. Kung siya ay isang unbeliever, ipag-pray mo na makilala niya si Lord.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 1 =