28

DECEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga’t kagalingan ng katawan.

Mga Kawikaan 4:22

Parang kailan lang nagsimula ang bagong taon at ilang araw na lamang ay matatapos na ito. Ang bilis ng panahon. Pero minsan kahit anong pilit natin, may mga bagay na hindi sumasabay sa paglipas ng panahon. Kahit ang karamihan ay naka-move on na, minsan may mga alaala na hindi madaling kalimutan. Mga painful experience na tapos na pero nananariwa sa ating alaala tuwing may “triggers.” Kaya your mood shifts from good vibes to bad vibes, from chill to stress, from hopeful to hopelessness. This cycle has to stop. God wants you to be healed.

Ang sabi ng Mga Kawikaan 4:22, ang kaalaman ay daan ng buhay at ito ang susi sa kagalingan at kalusugan ng ating buong pagkatao. Nakakasama sa mental and emotional health natin ang bad memories at negative thoughts. Buti na lang, anyone who is in Christ have the mind of Christ (1 Corinthians 2:16). Oo, puwede nating malaman kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa atin. Mababasa natin sa Bible ang napakaraming truths tungkol sa kung sino tayo kay Christ, kung anong kaya nating gawin sa pamamagitan ng biyaya Niya, kung anong nakalaan para sa atin both now and in the future. Habang pinupuno natin ang isip natin tungkol kay Jesus Christ—His beauty, His grace, His love, His power—makakalimutan natin ang painful memories at mararanasan natin ang kagalingang mula sa Kanya.

Kapatid, panahon na ng paghilom. Let Jesus heal you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat dahil Kayo ay Diyos ng kagalingan. Sa pagtanggap ko kay Jesus bilang aking Tagapagligtas at Panginoon, pinagaling na rin Ninyo ako spiritually, emotionally, mentally, and physically. Open my eyes to the many spiritual truths about you, Lord. At tulungan po Ninyo akong magpatawad tulad ng pagpapatawad Ninyo ng lahat ng aking kasalanan sa krus. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Gamit ang Bible app or Google search, hanapin ang mga Bible verse na may phrase na “in Christ” or “through Christ.” Basahing mabuti ang mga verse na ito and ask God to change your perspective regarding sa kung sino ka kay Cristo at ano ang magagawa mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 15 =