20
DECEMBER 2021
Project: Joyful Christmas
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
Lucas 2:10-11
Minsan, sa sobrang stress, pagod, at gastos ng holiday season, sa halip na ma-excite kang i-celebrate ang kapanganakan ni Jesus, gusto mo na lang matulog ng December 24 at gumising sa 26th, kung kailan tapos na ang Araw ng Pasko. Bukod dito, baka may iba ka pang hugot, tulad ng pagiging miyembro ng SMP o samahan ng malalamig ang Pasko.
Meron ding mga taong gustong mag-pass muna sa Pasko dahil sa mga panahong ito, uso ang family reunions. Imbes na makumpleto ang saya, mami-miss nila lalo ang mga mahal sa buhay na hindi makakadalo dahil nagtatrabaho sa malayo. O kaya, walang matutuloy na reunion dahil sa away sa pamilya. Meron ding mga taong apektado ng seasonal affective disorder kaya mas nakarararamdam sila ng anxiety o depression sa panahong ito.
Christmas is meant to be a season of joy, but it isn’t easy for everyone. Kung may lungkot sa puso mo, halika, balikan natin ang true meaning ng Pasko. Ang Pasko ay pag-alala na gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin kaya ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak na si Jesus para ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak (Juan 3:16). Ipinanganak si Jesus upang sa takdang panahon ay isakripisyo Niya ang sarili Niya sa krus nang magkaroon ng kapatawaran ang ating mga kasalanan. That’s reason to rejoice!
And what better way to honor Jesus in this season than to spread cheer and peace sa mga taong nangangailangan nito? Hindi kailangang gumastos nang malaki para gawin ito. Send a Christmas greeting to someone. Encourage a lonely person by keeping him company. O sorpresahin mo ang isang tao with a memorable gift. Speak words of hope, like the Good News about the birth of Jesus, the promised Messiah. Makikita mo, ikaw mismo ang makakaranas ng joy and peace na maaari lamang manggaling kay Jesus.
LET’S PRAY
Salamat O Diyos, na dahil sa pag-ibig Ninyo, ipinadala Ninyo ang Inyong Anak na si Jesus para hindi ako mapahamak. Gamitin Ninyo ako, Lord Jesus, para iparating ang magandang mensaheng ito ng Pasko sa lahat ng nangangailangan.
APPLICATION
Pumili ng tatlong tao na wala sa original Christmas list mo na bibigyan ng regalo. Itanong sa Diyos kung ano ang best way para i-bless sila this season.