27

JULY 2021

Sapat ang Biyaya Niya

by | 202107, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neil Barnes & Written by Rhoxanne Villasin

Ganito ang kanyang sagot, Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina. Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.

2 Mga Taga-Corinto 12:9

Malapit ka na bang sumuko? Bago ka tuluyang bumitaw, makinig ka muna.

Minsan may instances na talagang pagdududahan mo ang kakayahan mo. Kaya ko ba? Qualified ba ako? Iyan ang madalas nating itanong sa sarili natin everytime we feel like the task ahead is too great for us to carry. Lalo na kapag nagkasabay-sabay ang iyong responsibilities sa work or school, family, at maging sa iyong sarili.

Aminin man natin o hindi, may hangganan tayo. Hindi tayo laging on top of our game. Napapagod din tayo. Nagsa-struggle. May circumstances na beyond our control. Sa mga pagkakataong ito mas madaling bumitaw kaysa lumaban. Mas madaling tumakas kaysa mag-stay. Pero alam mo ba na sa ganitong low moments ng buhay natin mas makikita ang power ng Diyos?

Sa gitna ng ating karamdaman, kahinaan, o kakulangan, ibubuhos ng Diyos ang Kanyang kalakasan at kapangyarihan para magawa natin ang kailangan nating gawin. Ganito ang naranasan ni Pablo. Sa gitna ng matinding hirap na naranasan niya sa katawan, nangako ang Diyos sa kanya ng sapat na biyaya at pagpapamalas ng Kanyang kapangyarihan. Kaya hindi dead end ang kahinaan mo. Isa itong open space para mas maipakita ng Diyos sa iyo na makakaya mo dahil sinasamahan ka Niya. Kung aaminin mo lang at hihingi ka ng Kanyang tulong, mararanasan mo ang masaganang biyaya at kapangyarihan Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I acknowledge that I am limited but You are unlimited. So I humbly come before You asking that You take over my situation. Hindi ko ito kayang mag-isa kaya ngayon, naniniwala ako na sa Inyo ko makukuha ang tunay at lubos na kalakasan para magtagumpay ako. Thank You for Your grace. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

I-memorize ang 2 Mga Taga-Corinto 12:9 at ugaliing i-declare ito araw-araw, lalo na kapag nanghihina ka. Kaya mo dahil sapat ang biyaya ng Diyos!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 9 =