17
JULY 2021
Tahan na, Anak
Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”
Lukas 7:13
Tatlong motorbanca ang magkakasunod na tumaob sa baybayin sa pagitan ng Iloilo at Guimaras. Hindi tumigil ang mga rescue operation na ginawa ng Philippine Coast Guard sa area na ito, pero marami pa rin ang namatay na pasahero. Isang kaanak ng namatayan ang nagsabi ng ganito: “Nasaan ang Diyos? Bakit di Niya kami tinulungan? Bakit di Niya sinagip ang asawa’t anak ko at ibang pasahero?”
Anong pag-asa ang natitira sa taong nawalan ng pamilya? Paano na ang buhay kapag wala nang asawa’t mga anak? May future pa ba sa ganitong klase ng tragedy? Anuman ang kasalukuyang kinakaharap natin, lalo na kung ito’y matatawag na isang tragedy, God sees our condition. He feels our pain. Kaya’t sa kalagitnaan ng ating pagdadalamhati, naroon ang Diyos. Siya ang magpapahid ng mga luha natin at magpapatahan sa atin.
Kitang-kita ng Diyos ang trahedyang nangyari kay Job (Job 1:13-22). Sa loob lang ng isang araw, ninakaw at tinamaan ng kidlat ang mga alaga niyang hayop, nawalan siya ng mga tauhan, at ang pinakamasaklap, namatay ang mga anak niya. Hindi birong balita ito! Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi sinisi ni Job ang Diyos kaya’t hindi siya nagkasala. Sa huli, naging maganda ang buhay niya. Biniyayaan siya uli ng Diyos ng magagandang anak at ang kabuhayan niya ay ibinalik ni Yahweh ng higit sa dati (Job 42:10-12).
Isang biyudang namatayan naman ng kaisa-isang anak ang nasalubong ni Jesus. “Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya’t sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak” (Lucas 7:13). Binuhay ni Jesus ang binata at ibinigay ito sa kanyang inang nagkaroon muli ng pag-asa.
Maaaring mapalitan ang mga nawala sa buhay natin, o sa kabilang banda, maaaring hindi na sila maibalik. Pero tiyak na papahirin ng Diyos ang mga luha natin. Kay Jesus, may pag-asa tayo’t magandang kinabukasan.
LET’S PRAY
Lord in our hopeless situation, display Your endless mercy and grace. Show us the miracle of life. Restore what needs to be restored in our lives in the mighty name of Jesus. Amen.
APPLICATION
May nawala ba sa iyo? Ask God to restore it—relasyon man ito, negosyo, o finances. Hayaan mong pahiran ni Jesus ang mga luha mo.