9

FEBRUARY 2021

Share with family and friends

Narrated by Lara Quigaman

Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.

Mga Kawikaan 4:23

Trending these days ang hugot lines. Dahil siguro emotional ang maraming Pinoy at malalim ang pinaghuhugutan. Ang poets daw malalim ang pinaghuhugutan kaya nakakapagsulat ng makabagbag-damdaming mga tula. Ang mga in-love, malalim din ang hugot. Lalo na ang mga heartbroken.

Lahat tayo may hugot. Kung anong nilalaman ng puso natin, ‘yun din ang lumalabas sa bibig natin. Kung punong-puno ng self ang puso natin, malamang puro me, my, and mine ang mga kuwento natin. Kung puro sama ng loob ang laman ng puso, malamang complaints at negative talk ang bukambibig. Si Jesus mismo ang nagsabi na, “Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig” (Mateo 12:34).

Ano ba ang mga hugot mo? Ano ang laman ng puso mo na hindi mapigilang ilabas ng bibig mo? Malalaman ba ng iba na nasa puso mo si Jesus based on the words coming from your mouth?

Mula sa pusong patuloy na binabago ng pag-ibig ni Cristo, we hear words of gratitude and praise to God. Mula sa pusong hinuhubog ng Salita ng Diyos, we can expect words of wisdom and encouragement. Mula sa pusong iniingatang mabuti through daily prayer and communion with God, we see genuine acts of faith and love.

Kung marami pang kailangang ayusin sa puso mo, hindi ka nag-iisa. If you feel that your inner thoughts and your words do not honor God, huwag kang ma-discourage. Kahit si David who’s known as a man after God’s own heart, humingi rin ng tulong sa Diyos. Kaya ganito ang prayer niya: “Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan” (Mga Awit 19:14). You can make this your personal prayer too.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, thank You that You dwell in my heart and You let your love overflow from it. Magpangiti nawa sa Inyo hindi lang ang mga hugot ko, kundi ang words and actions ko. Amen.

APPLICATION

Gusto mo bang marinig ang mga hugot ni David? Basahin ang aklat ng Mga Awit. Simulan mo sa Mga Awit 23.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 15 =