MEMES COLLECTION FOR JANUARY 2024
Jan 1 - May K Ka Ba This New Year?
Kaibigan, kumusta ang simula ng New Year para sa iyo? Magkahalong confidence and kaba siguro ang feeling mo. To encourage yourself, puwede mo sigurong sabihin na, “K, as in Kakayanin ko ito.” Or, “K, kalma lang, the best is yet to come.” Pero may tatlong K or katotohanan na puwede mong panghawakan as you start the new year. And totoo ang 3 Ks na ito — not just this year, but every year of the rest of your life.
Jan 2 - Katulong Mo si Lord
Sinulat ni David ang Psalm 121. All his life napatunayan niya na katulong niya si Lord sa lahat ng accomplishments niya. As a shepherd, binantayan niya ang mga tupa to keep them protected from lions and wolves. As a teenager, pinatumba niya ang higanteng si Goliath. Ginawa siyang sundalo ni Saul at napatay niya ang maraming kaaway ng Israel. Nainggit sa kanya si Saul at pinagtangkaan siyang patayin. Dahil dito, kinailangan niyang magtago sa mga kuweba. When he became king, pati ‘yung anak niyang si Absalom, gusto siyang patayin.
Jan 3 - Kumapit Ka
In the past two days, dalawang katotohanan tungkol sa Diyos ang ipinaalala sa atin ng Word of God. First, kitang-kita tayo ni Lord. Alam Niya ang lahat ng needs and struggles natin. And second, katulong natin si Lord. Sa lahat ng challenges na haharapin natin this new year, tiyak na tutulungan tayo ni Lord sa lahat ng oras.
Jan 4 - New Year, New Beginnings
Ipinakita ng architect kina Joseph at Pia ang 3D house design ng kanilang bagong bahay. Nakatutok ang mag-asawa sa computer screen habang excited na nag-virtual tour. Naluha pa si Pia dahil sa wakas ay matutupad na rin ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. More than 15 years na kasi silang nakapisan sa mga magulang ni Joseph. Kahit masaya naman ang samahan, masikip na ang maliit na kuwarto para sa kanilang pamilya.
Jan 5 - Embracing the Holiness of God
Have you ever wondered what makes Christianity different? Sa dinami-rami ng religion sa mundo, why would anyone choose to become a Christian? It may be one of the toughest but an important question that needs to be answered. At ang sagot sa tanong na ito ay nakasentro sa kung sino ang Diyos ng Cristianismo — Jesus, the Holy One of God. Christianity is different because Jesus is different. He is holy.
Jan 6 - Masayang Makatanggap ng Libre
“On the house na po yung kape, Ma’am. Gets ko po yung disappointment ninyo nung sinabi namin na hindi available yung order ninyo, pero i-try ninyo po itong black coffee. Para po sa iyo yan!” sabi ng barista kay Amy. Nasurprise siya nang inilapag ang kape sa table nila. Laking tuwa niya sa kanyang natanggap at narinig.
Jan 7 - Life Battery
Kahit saan tayo lumingon, makakakita tayo ng taong gumagamit ng cellphone. We use it for calling, texting, gaming, panonood ng videos at siyempre pagbabasa gaya ng ginagawa natin sa devotional na ito. If we are doing all these activities with our phone, siguradong kailangan nating mag-charge ng mobile phone at the end of the day. Kapag hindi natin tinigilan ang paggamit nito, para itong nabu-burn out. Sometimes umiinit, nagha-hang hanggang sa ma-dead batt ito kapag tuloy-tuloy ang paggamit natin ng apps nang sabay-sabay.
Jan 8 - Nature Lovers
May nararamdaman ba tayong kakaibang saya kapag nasa beach tayo? O di kaya’y kapag nasa tuktok ng isang bundok at nakikita natin ang iba’t ibang klase ng mga puno at halaman? May ganito rin bang saya kapag minamasdan natin ang mga hayop sa bukid, mga ibon na dumadapo sa bubong, o ang mga isdang nakikita natin sa ilalim ng dagat? Bakit kaya parang may kakaibang connection ang mga tao sa nature?
Jan 12 - No More Tears
Kung mahilig kang magpa-deliver ng pagkain o kaya ay gumamit ng online shopping apps o transport services, siguradong alam mo ang ibig sabihin ng ETA o estimated time of arrival. Ito ang oras na pina-promise sa atin kung kailan natin dapat i-expect na darating ang isang bagay.
Jan 15 - Ingat sa Pagtawid
Imagine a pedestrian who is crossing the street. Busy siya sa kaka-scroll sa social media feed niya at nakasuot ng headphones, listening to music on his phone. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Nasa pedestrian lane naman siya kaya confident siya na titigil ang mga sasakyan para sa kanya. Ang problema, hindi lahat ng driver ay nakatutok sa daan. Merong isang na-distract at hindi siya nakita. Nai-imagine mo ba ang susunod na mangyayari?
Jan 16 - KKK (Kitang-Kita Ka!)
Ang Marilaque Highway ay popular sa riders who want to get a thrill from driving the “Devil’s Corner.” Madalas dito ang sakuna, at marami na nga ang namatay. Ayon sa riders, challenging daw ang corner na ito kasi magandang mag-banking ng motor while speeding. Sa katunayan, may makikita kang posts tungkol dito sa social media. Alam ba ninyo na may CCTV at dash cam na spotted dito? Kung isa ka sa thrill seekers, kitang-kita ka!
Jan 17 - Makinig Ka Man o Hindi
Last night of the cruise kaya party mode ang lahat. Sa kasamaang palad, parang Titanic pala ang nangyayari sa engine room. The alarm sounded and the captain announced the emergency, alerting the passengers to get to their assigned stations and ready themselves to abandon ship. Mayroong nakinig at sumunod sa instructions. Sinuot ang kanilang life jackets at pumunta sa kanilang designated areas, as practiced before they sailed. Mayroon din namang walang pakialam at patuloy sa kanilang kasiyahan, oblivious to the chaos going on around them.
Jan 19 - Better Than Artificial Intelligence
It’s scary how much technology has advanced. Artificial Intelligence can now process data and make it seem that it can think like humans. For example, you can ask AI technology ChatGPT to explain any subject or compose emails, and magagawa ito para sa iyo. Other similar programs can create art and music, and to think that this is relatively new technology. Imagine what it can do years or decades from now!
Jan 20 - Brownout Pa Ba?
Magtatatlong oras nang walang kuryente dahil may nasira raw na transformer sa kanto. Sunset na pero brownout pa rin. Kaya nagsindi na ng kandila ang mga nanay, nagkabit na ng mga kulambo ang mga tatay at halos mapunit na ang mga overused na pamaypay. Lahat na yata ng versions ng shadow play, nalaro na ng mga bata. At dahil sa dilim, hindi na mahanap ang bola ng jackstone na gumulong sa kung saan. Ito ang karaniwang tagpo kapag brownout sa probinsya. Noong panahong wala pang rechargeable lamps, solar-powered household fans, at unlidata para mag-Internet.
Jan 21 - Lord, Bakit?
“Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi ako gumagaling? Bakit ako naghihirap ngayon?”
Have you found yourself asking God these questions at any point in your life?
When faced with difficult and heartbreaking situations, madalas nating nasasabi ang “Lord, bakit?” Naghahanap tayo ng mga dahilan sa mga bagay na hindi natin maintindihan.
Jan 22 - Hopes and Dreams
What were your hopes and dreams when you were growing up? Naalala ko na pangarap ko ang maging astronaut nung mga panahon na ‘yun (70s baby). Ito ‘yung peak ng space exploration ng US at Russia. May mga kaibigan ako na nangarap na maging sundalo at pulis, maging doctor, arkitekto, at engineer.
Jan 23 - From Anxiety to Peace in Jesus
Flinex ni Rosario ang isang casual but well–composed mother–daughter photo sa kanyang LinkedIn page. She talked about her heart-to-heart conversation with her daughter Venus at ang struggle nito with mental illness. As a CEO, Rosario wanted so much to give a solution to her daughter’s problem. Pero pinigilan niya ang sarili, allowing her mother’s heart to just listen and ponder.
Jan 24 - Daanan Mo Lang, Huwag Tambayan
Kapag nakasakay ka sa LRT o MRT, maririnig mo ang ganito: “Paparating na sa susunod na istasyon. Ang susunod na istasyon ay Cubao Station.” Kung hindi Cubao ang iyong destinasyon, hindi ka pa bababa. Mananatili ka sa loob ng tren at dadaanan mo lang ang bawat istasyon hanggang sa makarating ka sa iyong pupuntahan.
Jan 25 - Dapat Bang Bayaran ang Utang na Loob?
Sigaw ng isang tiyahin na nagpa-aral sa kanyang pamangkin, “Tandaan mo! Hindi ka
makakarating sa paroroonan mo! Wala kang utang na loob!” Uso ba talaga ang panunumbat? Sinumbatan ba ni Fairy Godmother si Cinderella?
Utang na loob: dapat ba o paano ba itong bayaran? May kasabihan nga na “ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” We Filipinos feel obligated to return the favors we receive. But the problem is it’s almost impossible to know when we have fully paid. Pero tama naman na dapat tayong magpasalamat sa mga taong tumulong sa atin.
Jan 27 - Pangakong Hindi Napapako
At age thirty-four, malinaw pa rin sa alaala ni Majoy ang pangakong napako ng kanyang tatay. She was just nine years old noong pinaasa siya ng tatay niya na bibilhan siya ng bike. Naghintay siya na matupad ang pangako, ngunit hindi na kailanman dumating ang bike. Fast forward, minsan niyang kinausap at tinanong ang tatay niya, ngunit sa halip na magkaroon ng closure, ikinalungkot niya ang mga salitang binitawan nito. “Hindi ko na maalalang pinangakuan kita. ‘Yung kapatid mo ang binilhan ko kasi siya ang marunong mag-bike.”
Jan 28 - Storytelling-A-Lie vs. Storytelling-Alive
Mas may power nga ba ang truth against lies?
Pinagbintangan ng isang babae ang kanyang kumare na fake ang Deed of Sale na kanyang ginawa kaya humantong sila sa korte. Mahaba-haba ang naging proseso, pero napatunayan din na mali ang akusasyon ng babae sa kanyang kumare.
Jan 29 - Liwanag Sa Dilim
The rising cost of living is a challenge we all face. With no end in sight, we are groping in the dark as to where it will lead us. But we do not have to navigate life in the dark. We have the Word of God that will light our path (Psalm 119:105). With enough light in our life’s journey, we will see the direction to where God is leading us.
Jan 31 - Nakikita Ba ang Iyong Liwanag?
Bago si Rey sa kanyang trabaho sa isang malaking semi-government agency sa Makati. Dahil maaga siyang pumapasok sa opisina, doon niya ginagawa ang kanyang Quiet Time. Makikita mo siya sa kanyang desk na tahimik na nagbabasa ng Biblia, nagsusulat ng mga natututunan niya sa kanyang Quiet Time notebook, at nanalangin. Pagdating ng 8:00 am, doon siya nagsisimula sa kanyang pagtatrabaho.
Can We Pray For You ?
Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. - Philippians 4:6